Matapos ang Pasko at Bagong Taon tunghayan natin ang isa sa mga madas na usapan ng kapwa marino sa private message ng Facebook:
Marinong Nakabasyon: “Sir, Kamusta na? Saan po kayo ngayon? Happy New Year!”
Marinong Onboard: “Ok lang sir. Nandito kami sa Melbourne Inner Anchorage, naghihintay ng berthing schedule. Happy New Year too!”
Marinong Nakabasyon: “Sir, pautang.”
SEEN ZONED
Sino sa inyo mga kabaro ang nakakarelate sa ganitong usapan?
Una muna, Happy New Year To All Seafarers and Their Families!
Ikaw na onboard na hindi nakapag Pasko at Bagong Taon sa Pilipinas ay kuntento na lamang sa pag like like at comment sa mga posts ng mga dating kasamahan sa barko na nakauwi. Ang dami nilang mga (selfie at groupie) pictures sa kanilang mga out of town or out of the country tours, pagkain sa mga mamahaling restaurants or handa sa kanilang hapag kainan. Masaya ka para sa kanila kasi kasama nila sa mahalagang okasyon ang kanilang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.
Tapos na ang Christmas vacation, paubos na rin ang pera, marami na ulit ang nagbabaka sakali na makasakay agad kaya balik sa Pambansang Tambayan ng mga Pinoy Seafarers sa Kalaw Avenue na malapit sa National Library. Ang iba naman ay nag re-reach out na sa dating mga kasamahan sa barko. Ganito na lang ba palagi ang buhay ng mga marino? Ayaw ni Sir Arjay Magpantay, aka Pambansang Marino, ng ganyan.
Live within your means and within your seams.
Sa Filipino, “Kung maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.”
Hindi naman masama ang maglibang at maghanda, pero kung pagkatapos mong i-post sa social media ang mga pinaggagawa mo at ng iyong pamilya; tapos pagdating ng bagong taon ay mangngungutang ka, eh paano yan, buong taon kang mang-ngungutang.
Meron dyan, mabilis mang-utang, sasabihin kung anong buwan magbabayad, pero hindi sasabihin kung anong taon. Nagsama lang kayo ng ilang buwan sa barko pero ang utang, inabot ng ilang taon. Yun ang mga kabaro na nakahiram, pagkatapos makuha ang pera ay nagkaka-amnesia na sa kanilang pagka-utang.
Safe ba na magpahiram sa dating mong kasamahan sa barko? How sure are you that they will pay you back? Maibabalik pa kaya yung pera mo?
Above questions are difficult to answer. What I know is that, we, Pinoy seafarers trust each other when we are onboard. We rely on each other for the safe and efficient ship’s operations. We have each other’s back.
It is a totally different ball game when we are on land especially if we change company and then somebody from your previous company asked financial favor from you. Ang Pinoy pag nanghiram at hindi mo pinagbigyan, masama ka na sa kanya. Tapos iku-kwento pa sa iba na madamot ka, or worst sisiraan ka. Hindi naman siguro anticipated na may manghihiram kasi may pinaglalaan ka rin sa kinikita mo. I don’t know if this is only Pinoy phenomenon or other cultures do it too. Hindi ko alam ilan sa ating mga seafarers ang may budget allocation para sa perang pam-pautang.
Sabi ni Third officer na dahil sa papalit-palit nyang line up ay umabot ng isang taon bago siya nakasakay at kasalukuyan na tambak sa utang; makikilala ang ugali ng isang tao sa kanyang pagka- utang.
Lahat naman kasi tayo ay nakaranas mangutang, kung gaano mo pahalagahan ang iyong taong pinag-utangan ay ibang usapin na yan.
Marinong Onboard : “Sir, magkano po ba?”
Marinong Nakabasyon: “Sir, pwede 100K Php?”
Marinong Onboard: “Huh?! Sir, 10 k php maximum maibibigay ko sa iyo, may nauna na
pong nanghiram, eh.”
Marinong Nakabasyon: “Ganun po ba? Pwede pong makuha bukas? Kailangang-kailangan na
kasi.”
Marinong Onboard: “Sir, may work din po yung sexytary ko. Pwede po bang ipa-extra
allotment ko na lang this month?”
Marinong Nakabasyon: : “Sige po sir. Text ko yung bank details ko.”
Nakalagay sa US Dollar bill, “In God We Trust”
We trust then somebody trash that trust. Will you trust somebody again? Wow, hugot ba yun? Pang #Seaman’s Problem at #Seaman’s Guide ang dating. Kayo na lang po kumilatis sa manghihiram sa inyo kung worthy po ba siya ng ipapahiram mong “In God We Trust”.
Ito po si Pinoy Seafarer na nagsasabing: “Pag may sinuksok, may madudukot. Malamig pa naman ang panahon, switch off mo na ang aircon, para hindi ka na kailangang magkumot at mamaluktot. “
P.S. (Pahabol Sulat)
Ang financial New Year’s resolution ko ay maningil ng pautang. Overdue na Bes, paramdam ka rin pag may time.
Good luck, Good Health and God Bless Us All. Happy New Year!
#HappyNewYearToAllSeafarers
#PinoySeafarer
(Note: the graphic is a mashed up of images that were taken from the internet, no intention of copyrights infringement.)