@HindiKilalangSeaman wrote on his FB post “Honestly if it weren’t for the 48 degrees Celsius and everything is written in Arabic, I could mistake that half of the population of the Philippines is here.” Here he was referring to was in Fujairah, United Arab Emirates wherein a sizable number of Filipinos are working on the oil and maritime related industry.
The job vacancy on the vessel that was assigned to me will be available around the month of October. While waiting for my next employment, I’m starting my preparation for the bachelor’s degree teaching job that was offered. I intend to attend a mentoring session to brush my knowledge on the subject matter. The training director asked me, “Mag for for good ka na ba?”
Coincidentally, the questions for the day being asked on Radyo OFW last 04 August 2016 were “Ilang taon na kayo sa abroad? Kailan nyo balak mag-“for good” na sa Pilipinas?” The program host was Ms Hannah Seneres and I was invited as a guest.
The answers of our kababayans on how long they were out of the country were varied with two having been out of the country for 23 long years. The first one replied “Ako, 23 years dito sa abroad for good early 2018 in God’s will.” While the second lady answered, “23 years na ako sa abroad, almost 16 years sa Singapore at mag 8 years na dito sa Spain. Ewan kung uuwi pa ako. Sa awa ng Diyos okay naman ang medical at social security benefits ko dito covered lahat basta legit (legitimate). Due to health problem hindi ko na kakayanin manirahan pa sa Pilipinas, gamot lang tiyak na tigok na ako in one year pag stay doon.”
Other reasons opined around 5 to 10 years once they save enough capitals for the businesses they plan to do; if their children will graduate in college; built their own house; pay all the debt and bills, etc. One said “10 years pag natupad na ni President Duterte yung lahat ng mga mabuting ipinangako nya sa mamayang Filipino.”
For others it was difficult to plan for their retirement: “only God knows kasi kahit planuhin nating kung may ibang plano si Lord, wala din tayong magagawa.”
Most of the answers were coming from land based workers. Seafarers due to lack of resources (most ships have no internet connection onboard) and awareness of the radio program cannot take part in this kind of survey. I hope that the voices of seafarers (or even their family) either on vacation or at sea can be heard too.
Kaylan ba mag-fo-for-good na sa Pinas ang isang Pinoy seafarer?
Kung tayo ay pupunta sa tambayan ng mga marino sa Kalaw sa bandang Luneta, mapapansin natin maraming mga nag aabang ng mga bakanteng posisyon. Ang iba ay nahihirapan ng sumakay at isang malaking factor ay “over age”. Mayroon akong kakilala na isang ultimo (rating), na dahil sa kanyang edad, nahihirapan na siyang makahanap ng kumpanya na tatangap sa kanya. Bumilang ng ilang taon ang kanyang karanasan sa pagbabarko subalit ang kanyang edad ang laging nagiging hadlang. Dalawang buwan siyang gumastos para maghanap ng mapapasukan sa Maynila at nang naubos na ang pera ay umuwi na sa kanilang probinsya. Ang isa naman ay gumastos para mapataas ang ranggo nya bilang opisyal pero unemployed pa rin siya hanggang ngayon dahil sa kanyang edad.
Sa pananaw ng mga shipowners, isang liability ang isang marino na nagkakaedad na dahil sa stressful na trabaho sa barko, mas madaling magkaroon/dapuan ng mga sakit ang mga ito at hindi na kayang makipagsabayan pa sa mga makabagong teknolohiya na mga gamit sa barko.
Hindi isang usapin sa ibang bansa ang “over age” kaya huwag kayong magtaka kung ang mga ibang lahi na nakakasama nyo ay pang Jurassic age na pero sa Pilipinas may diskriminasyon, kaya dapat bago tayo mag edad ng 50, Pinoy seafarers ready ka nang magretire.
Ang Integrated Seafarers of the Philippines (ISP) sa pamamahala ni Captain Jess Morales ay may adbokasiya na tumutulong na paghandaan ng mga Pinoy seafarers ang pag-fo-for-good na sa Pilipinas. Nagkakaroon din ng buwanang meeting (usually done last Saturday of the month) para manghikayat at ipakilala ang ISP. Ang mga marino na nagbabakasyon o kaya ang kanilang pamilya ay habang may panahon pa ay atupagin na natin ito.
Bilang isang Pinoy seafarer, isa sa paghahanda ko kung sakaling ako ay huminto na sa pagbabarko ay magturo sa kolehiyo para naman ang mga kaalaman ko ay maibahagi ko rin sa mga susunod na henerasyon na mga marino. Ang panggalawa ay dapat mabayaran ko na ang lahat ng mga insurances and other financial instruments na pinaglakagan ko ng aking mga pinaghirapan sa pagbabarko.
Ang pangatlo ay gusto ko ring maging tagapamahala ng mga lupa at gawaing pangsakahan (Farm manager). Sa ibang bansa tulad ng Australya, ang mga magsasaka ang silang mayayaman na kabaligtaran sa ating bansa. Gusto kong makatulong sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay puhunan ng mga alagaing mga baka at sa iba pang mga bagay.
Kailangan nating magtulunggan para paunlarin ang ating mga kababayan sa mga kanayunan. Sa isang lugar, mapapansin natin ang mga may malalaking mga bahay at mga anak na nakapagtatapos sa pag-aaral ay mas madalas yung mga may mga kamag-anakan sa abroad.
Yung mga kababayan kaya natin sa Fujairah, UAE na nakasalamuha ni @HindiKilalangSeaman, kaylan kaya sila mag fo for good na rin sa Pinas?
#PinoySeafarer
#RadyoOFW
#ISP